Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.4 na lindol; Intensities, naitala sa mga kalapit-bayan
(UPDATED) Niyaning ng malakas na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 5.4 na lindol sa 35 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos bandang 5:54 hapon ng Huwebes (February 20).
May lalim na 190 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang mga sumusunod na intensity bunsod ng lindol:
Intensity 3:
– General Santos City
– Tupi at Polomolok, South Cotabato
– Alabel, Saranggani
Intensity 2:
– Maasin at Malapatan, Sarangani
– Davao City
Intensity 1:
– Tampakan, South Cotabato
Instrumental intensities naman ang naitala sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 4:
– General Santos City
Intensity 3:
– Kiamba, Alabel, at Malungon, Sarangani
– Tupi, South Cotabato
Intensity 1:
– Kidapawan City
– Koronadal City
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian sa lugar.
Ngunit, sinabi ng Phivolcs na asahan ang posibleng aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.