Pagdinig ng Senado sa prangkisa ng ABS-CBN, labag sa Konstitusyon

By Erwin Aguilon February 20, 2020 - 05:45 PM

Hindi nagustuhan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang gagawing pagdinig ng Senado sa franchise renewal ng broadcast giant na ABS-CBN.

Ayon kay Cayetano, labag sa konstitusyon ang gagawing imbestigasyon ng komite ni Senator Grace Poe.

Sinabi nito na nagtataka siya kung bakit atat na atat ang mga senador na pag-usapan ang ABS-CBN franchise gayong tiklop naman sa panukalang Charter Change o ChaCha.

Sang-ayon din aniya siya sa pagkwestyon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kay Poe kung ano ang didinggin nito gayong hindi pa naman nasisimulan ng Kamara ang franchise hearing.

Kapag ibinasura ng Mababang Kapulungan ang franchise ng network ay wala namang dapat dinggin ang Senado.

Mainam, ayon kay Cayetano, na hintayin na lamang ng Senado ang resulta ng pagdinig sa franchise ng Kamara upang magkaroon sila ng records ng mga may gusto at ayaw sa franchise renewal.

Bukod dito, isang local bill din na maituturing ang franchise bill ng ABS-CBN kaya dapat na sa Kamara talaga ito magsisimula.

TAGS: ABS-CBN franchise renewal, Alan Peter Cayetano, sen grace poe, ABS-CBN franchise renewal, Alan Peter Cayetano, sen grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.