Malaming na panahon, asahan pa rin bunsod ng Amihan – PAGASA

By Angellic Jordan February 20, 2020 - 05:35 PM

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Nakakaapekto pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na umiiral ang maninipis na kaulapan sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas.

Indikasyon aniya ito na makararanas pa rin ng malamig na temperatura tuwing madaling-araw lalo na sa Luzon at Visayas dahil sa Amihan.

Dagdag pa nito, patuloy na iiral ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora at Quezon.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Sinabi ni Ordinario na walang inaasahang papasok o mabubuong anumang weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

TAGS: amihan, Northeast monsoon, Pagasa, amihan, Northeast monsoon, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.