Prangkisa ng ABS-CBN, hindi na matatalakay ng Kamara bago ang Mahal na Araw

By Erwin Aguilon February 20, 2020 - 05:13 PM

Hindi na matatalakay ng Kamara ang franchise renewal ng broadcast giant na ABS-CBN bago ang kanilang Lenten break sa Marso.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, posibleng sa Mayo o kaya naman ay matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte didinggin ng House Committee on Legislative Franchises ang prankisa ng ABS-CBN.

Paliwanag ni Cayetano, maiksi lamang ang sesyon sa pagitan ng Enero hanggang Marso, gayundin sa Mayo dahil magbabaksyon na agad ang Kongreso.

Sinabi nito na ang buwan ng Agosto ang may pinakamahaba nilang sesyon bago mag-adjourn ng Nobyembre l.

Useless din aniya kung diringgin nila ngayon ang pagpapalawig sa franchise ng Lopez-led network kung hindi rin naman ito maisasalang sa plenaryo kaya kung uumpisahan nila ito ay dapat na agad din tapusin.

Tiniyak naman ni Speaker Cayetano na hindi magsasara ang ABS-CBN kahit na matapos ang prangkisa sa Marso 30 dahil makikipag-uganayan sila sa National Telecommunications Commission (NTC) habang nakabinbin sa Kamara ang usapin.

TAGS: 18th congress, ABS-CBN franchise renewal, Alan Peter Cayetano, 18th congress, ABS-CBN franchise renewal, Alan Peter Cayetano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.