Bilang ng mga PUI sa bansa, nasa 556 – DOH

Nasa mahigit 500 ang bilang ng ‘patients under investigation’ (PUI) sa bansa na posibleng apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang 12:00 ng tanghali, nasa kabuuang 556 PUIs sa bansa.

Sa nasabing bilang, 133 ang nananatili pa sa mga ospital habang 420 naman ang na-discharge na.

Pinakamarami pa ring naitala sa National Capital Region (NCR) na may 106 PUIs admitted at 90 PUIs discharged.

Sumunod dito ang bahagi ng Central Luzon na may tatlong PUIs admitted at 57 PUIs discharged.

Sinabi ng DOH na nananatili pa rin sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read more...