Nawawalang U.P student nakauwi na sa kanilang bahay

By Den Macaranas February 02, 2016 - 08:09 PM

Ian
Inquirer file photo

Nakauwi na sa kanilang bahay kagabi sa Cainta, Rizal si Ian Jasper Calalang, ang 18-year-old freshman engineering student ng University of the Philippines na nawala noong araw na magbabayad siya ng kanyang tuition.

Sa ulat na unang lumabas sa The Philippine Collegian, kinumpirma ng kanyang ina na naka-uwi na ang nasabing college student pero tumanggi na silang magbigay pa ng ibang detalye sa kung ano ang nangyari kay Calalang.

Humingi rin ng privacy ang pamilya at tumanggi nang magbigay pa ng impormasyon sa kung ano ang nangyari sa dalawampu’t isang araw nilang paghahanap sa nasabing U.P student.

Si Calalang ay naging laman ng mga balita dahil sa kanyang biglang pagkawala kung saan ay naging usap-usapan pati sa mga social networking site ang kanyang biglaang paglaho dala ang pera na sana’y gagamitin sa tuition.

TAGS: Calalang, PNP, U.P, Calalang, PNP, U.P

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.