ABS-CBN hinamon ni Rep. Yap na gawing regular ang 11,000 manggagawa

By Erwin Aguilon February 20, 2020 - 02:21 PM

Hinamon ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang broadcast giant na ABS-CBN na gawing regular ang 11,000 empleyado nito.

Sabi ni Yap, dapat patunayan ng Lopez-led corporation na panindigan at patunayan na sila ay tunay na “In Service of the Filipino People.”

Aniya, kung totoong kapakanan ng tao ang iniisip ng ABS-CBN dapat ay inuuna nito ang karapatan ng kanilang mga empleyado at ipakita na seryoso sila sa sinasabing service para sa Filipino.

Bukod dito, hinamon ni Yap ang ABS-CBN na bayaran ang back pay at iba pang benepisyo ng 120 na empleyado na sinasabing ilegal na tinanggal sa trabaho noong 2010.

Ang mga nasabi aniyang mga manggagawa ay patuloy na lumalaban para sa kanilang karapatan hanggang sa ngayon.

Iginiit ng mambabatas na kung magagawa ito ng broadcast network ay tiyak na susunod dito ang iba pang malalaking kumpanya kaya sigurado na bayan at manggagawang Filipino ang panalo sa bandang huli.

TAGS: ABS-CBN, Rep. Eric Yap, ABS-CBN, Rep. Eric Yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.