Malakanyang kay DJ ChaCha: Baka ikaw ang gustong maging bodyguard ni Pangulong Duterte

Binatikos ni DJ ChaCha si Dela Rosa dahil sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaring ang radio personality ang gustong mag-apply na bodyguard ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Panelo hahayaan na lamang ng
Malakanyang ang radio personality na magbulalas ng kanyang personal na saloobin.
Tinanong kasi si Dela Rosa kung ano ang paninindigan nito sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Dela Rosa, nananatili ang kanyang katapatan kay Pangulong Duterte.
Dahil dito sinabi ng radio personality na dapat nang magbitiw si Dela Rosa bilang senador at maging bodyguard na lamang ng pangulo tutal nasa punong ehekutibo naman ang kanyang loyalty at hindi sa taong bayan.
WATCH: Presidential Spokesman Salvador Panelo on DJ Chacha: Baka siya naman ang gustong mag-apply (na bodyguard ni President Duterte) Hayaan mo na lang siya. @dzIQ990 @inquirerdotnet pic.twitter.com/3KpajXLzgU
— chonayuINQ (@chonayu1) February 19, 2020
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.