Inbound at outbound mails maaantala ayon sa PHLPOST
Nag-abiso ang Philippine Postal Corporation o PHLPost sa publiko na magkakaroon ng delay o pagka-antala sa lahat ng mga inbound at outbound mails o mga sulat na mula sa ilang bansa na may mga kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Ayon sa PHLPost, kabilang sa mga apektado ay mga liham na mula at patungong Mainland China, Hong Kong at Macau.
Paliwanag ng PHLPost, ang delays ay para maiwasan ang pagkalat o paglawak pa ng COVID-19.
Sinabi pa ng PHLPost na suspendido ang serbisyo ng gobyerno sa mga apektadong lugar, na nakaka-dagdag sa delays sa lahat ng inbound at outbound mails.
Dahil dito, humihingi ang PHLPost ng paumanhin at pang-unawa mula sa taong maaapektuhan ng pagka-antala.
Malaki naman ang pasasalamat ng PHLPost sa mga patuloy na tumatangkilik sa tradisyunal na pagpapadala at pagtanggap ng mga sulat o kahit mga package.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.