Sinabi ni Marcos na kung gagawing VAT-exempted ang pag-angkat ng mga gamot ay bababa pa ang maximum retail at wholesale prices ng ilang piling gamot.
Nabanggit nito na bago ipinalabas ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 104 na magiging daan para magkaroon ng 56 porsiyentong diskuwento ang ilang gamot, ayon sa mga kompaniya maari nilang ibaba ng hanggang 75 porsiyento ang kanilang presyo.
Base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) higit sa kalahati ng P413 bilyon na ginasta ng mga Filipino noong 2018 para sa kanilang kalusugan ay napunta sa gamot.
Ayon na rin sa DOH, ang halaga ng mga branded medicines sa Pilipinas ay 22 ulit na mas mataas kumpara sa ibang bansa.
Sinabi ni Marcos na ang pagbaba pa ng presyo ng mga gamot ang agarang tulong na kailangan ng sambayanan.