Banta ni dating Sen. Trillanes na bweltahan ang Duterte Admin non-sense ayon sa Malakanyang

By Chona Yu February 20, 2020 - 11:48 AM

Ipinagkibit-balikat lamang ng Malakanyang ang banta ni dating Senador Antonio Trillanes IV na bubuweltahan niya ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatapos ng termino sa 2022.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, non-sense lamang ang mga pahayag ni Trillanes.

Puro kabalbalan na lamang aniya ang mga ginagawa ni Trillanes.

Ayon kay Panelo, hindi na pag-aaksayahan ng Malakanyang ang dating senador.

Una rito sinabi ni Trillanes na ang kinakaharap niyang sedition case ay bahagi lamang ng harassment ng administrasyon para patahimikin ang mga kritiko.

Nag-ugat ang kaso ni Trillanes dahil siya umano ang nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” video ni Alyas Bikoy na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Duterte sa ilegal na droga.

TAGS: Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Salvador Panelo, sedition case, sen antonio trillanes iv, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Salvador Panelo, sedition case, sen antonio trillanes iv, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.