Dalawang online drug dealer timbog sa Mandaluyong City

By Ricky Brozas February 20, 2020 - 11:42 AM

Timbog ang dalawang lalaki na nagbebenta online ng droga kabilang na ang injectible shabu.

Alas 12:10 nang madaling araw ng Huwebes (Feb. 20) nang ikasa ng Team Alpha ng PDEA ang buy-bust sa bisinidad ng isang fast food chain sa Guevarra St., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Ayon kay Agent Winnifredo Alagbia, kinilala ang mga suspek na sina Mark Kenneth Del Rosario San Juan alyas Xtian at Jeffrey Villarin Saclao, kapwa residente ng Makati City at kapwa.

Modus umano ng dalawa ang magbenta sa social media ng droga kabilang na ang injectable shabu.

Mismong ipinakikita pa umano ng dalawa sa pamamagitan ng demo kung paano gamitin ang injectible shabu.

Nabilhan ng PDEA ang dalawa ng lamang piraso ng hiringgilya na naglalaman ng liquid shabu na nagkakahalaga ng P10,000.

Nakumpiska din sa dalawa ang isang pirasong transparent plastic sachet naglalaman ng shabu na may street value na P12,000.

May nakuha din na isa pang hiringgilya na naglalaman din ng liquid shabu at nagkakahalaga ng P42,000.

Nabawi din ang isang pirasong sterile water bottle, isang digital weighing scale at mark money.

Paglabag sa Sections 5, 26, 11 at 12 Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek.

 

TAGS: buy bust, Inquirer News, Mandaluyong City, online drug dealer, PDEA, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, buy bust, Inquirer News, Mandaluyong City, online drug dealer, PDEA, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.