5 babae nailigtas sa sinalakay na mga spa na nag-aalok ng “extra service” sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2020 - 11:05 AM

Limang babae ang nailigtas ng mga otoridad sa isinagawang pagsalakay sa dalawang Spa sa Bacoor City.

Ang dalawang Spa sa Barangay Mabolo 3 at Barangay Bayanan ay natuklasang nag-aalok ng “extra service”.

Mayroon ding dalawang suspek na naaresto ang mga tauhan ng Cavite Police na parang mahaharap sa kasong may kaugnayan sa human trafficking.

Ang limang nasagip ay pawang pinagtatrabaho sa Spa at iniaalok sa mga kliyente sa halagang P1,500 hanggang P4,500.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Vicente Cabatingan, Bacoor City police chief, sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act ang dalawang nadakip maging ang may-ari ng mga establisyimento.

 

TAGS: bacoor city, cavite, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, spa, Tagalog breaking news, tagalog news website, bacoor city, cavite, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, spa, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.