Temperatura sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon muling lumamig
Dahil sa paglakas pa ng Amihan muling lumamig ang temperatura sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ngayong umaga ng Huwebes (Feb. 20).
Ayon sa PAGASA, apektado na muli ngayon ng Amihan ang buong bansa.
Dahil dito, alas 5:00 ng umaga kanina (Huwebes, Feb. 20) ay nakapagtala ng 21.2 degrees Celsius na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Naitala naman ang sumusunod na temperatura sa iba pang bahagi ng Luzon:
Baguio City – 11.2 degrees Celsius
Tanay, Rizal – 18.4 degrees Celsius
Laoag City – 16.5 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 20.2 degrees Celsius
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez hanggang weekend ay Amihan pa rin ang iiral sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.