4 Chinese; 1 Filipino timbog dahil sa kidnapping sa Pasay
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na Chinese national at isang Filipino dahil sa umano’y insidente ng kidnapping sa Pasay City.
Sa isang press conference, sinabi ni NBI Director Dante Gierran na na-kidnap ang hindi pinangalanang Chinese national sa isang hotel noong February 11.
Iniulat aniya ito ng live-in partner ng biktima sa NBI noong February 13.
Nakilala naman ang mga suspek na sina Dong Dhaeng, Lu Lihui, Zhang Xiaolin, Ye Jintao, at Ann Michelle Melendez.
Pinagbabayad ng mga suspek ang biktima kapalit ng pagkakalaya nito.
Naaresto ng NBI Special Action Unit (SAU) sina Dong, Lu at Zhang sa hotel sa Pasay kung saan na-kidnap ang biktima noong February 14.
Sa sumunod na araw, February 15, nahuli rin si Melendez sa kaparehong hotel.
Kasong kidnapping at serious illegal detention ang isinampang kaso sa Office of the City Prosecutor of Pasay City laban sa mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.