Kita ng PPA, tumaas ng 31 porsyento sa 2019

Tumaas ang kita ng Philippine Ports Authority (PPA) sa taong 2019.

Ayon sa PPA, umabot sa P7.280 bilyon ang 2019 net income ng ahensya.

Mas mataas ito nang 31 porsyento kumpara sa naitalang kita na P5.553 bilyon noong taong 2018.

Dagdag pa ng PPA, mas mataas din ang nakuhang kita nang 47 porsyento kumpara sa unang target sa 2019 na P4.941 bilyon.

Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, ang malakas na financial performance ng ahensya ay bunsod ng mga ipinatupad na pagbabago ng administrasyong Duterte.

“The changes range from manual to automated processes, installation of sophisticated, effective, and higher productivity port equipment, compliance with the world’s best port management practices, and most especially, the shift in the outlook of employees to public service with reliability, integrity, and accountability,” ani Santiago.

Kasabay nito, sinabi ni Santiago na nakatulong ang PPA na maabot ng gobyerno ang nais na pagbibigay ng komportableng pamumuhay sa bawat Filipino.

“With this strong performance, the PPA again shall be able to help Government achieve its goal of giving comfortable lives to every Filipino not only through higher dividend remittance but also through efficient, effective and fast delivery of port services to our stakeholders and port users,” dagdag pa nito.

Ito ang pinakamataas na naabot na kita ng PPA.

Read more...