WATCH: Batas trapiko isama sa kurikulum ng elementary at high school – LCSP
Iminungkahi ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na mapabilang sa primary at secondary school ang rules ang regulation sa trapiko.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, ito ang kasunod ng bagong direktiba ng Land Transportation Office (LTO) na sumailalim sa 15 oras na theoretical driving lesson at karagdagang walong oras para sa practical driving.
Aniya, panibagong gastos ito sa mga kukuha ng driver’s license.
Maliban dito, binanggit din nito kung kakayanin kaya nito ang dagsa ng mga nais mag-apply ng lisensya.
May report si Jong Manlapaz:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.