Filipino na tinamaan ng COVID-19 sa Hong Kong, bumubuti na ang kalagayan
Bumubuti na ang kalagayan ng isang Filipino domestic helper na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Hong Kong.
Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, walang nakikitang sintomas ng sakit sa Pinoy katulad ng sipon, ubo at lagnat.
Sa pagbisita ng Konsulado, tiniyak nito na nasa mabuting pangangalaga ang Pinoy.
Sinabi rin anila ng mga doktor na maaari nang makalabas ng ospital ang Filipino domestic helper oras na matapos nito ang ilang pagsusuri.
Nananatili namang nakaantabay ang Konsulado para malaman ang pinakahuling lagay ng pasyente.
Ipinarating din nito na handa silang magpaabot ng anumang tulong na kailangan ng pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.