Palasyo, hinamon ang Kongreso na bumalangkas ng bagong batas para palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN

By Chona Yu February 19, 2020 - 05:59 PM

Hinamon ng Palasyo ng Malakanyang ang Kongreso na bumalangkas na lamang ng bagong batas para palawigin pa ang prangkisa ng ABS-CBN na nakatakdang mapaso sa Marso.

Ayon kay Presidential spokesman Salvavdor Panelo, nagkakaroon kasi ng magkakasalungat na opinyon ang mga mambabatas kung maari pang ipagpatuloy o hindi na ang operasyon ng ABS-CBN kahit na mapaso na ang prangkisa nito.

Ayon kay Panelo, maaring magpasa ng bagong batas ang Kongreso na nagsasabing may pending na batas para sa franchise renewal.

Hindi aniya dapat na matakot ang mga mambabaatas sa pagbalangkas ng bagong batas dahil kailanman ay hindi nakikiaalam si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahit pa aniya i-veto ng pangulo ang bagong batas, may kapangyarihan pa rin ang Kongreso na i-override sa pamamagitan ng two thirds na boto.

TAGS: ABS-CBN franchise renewal, Sec. Salvador Panelo, ABS-CBN franchise renewal, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.