Dating opisyal ng BuCor, patay sa ambush sa Muntinlupa City

Dead-on-the-sport ang dating opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) makaraang pagbabarilin sa Muntinlupa City, Miyerkules ng hapon.

Batay sa ulat ng Muntinlupa City police, binaril ang biktimang si Fredric Anthony Santos sa harap ng isang paaralan sa Katihan Street sa Barangay Poblacion dakong 1:50 ng hapon.

Susunduin sana ng dating Bureau of Corrections legal affairs chief ang kaniyang anak na babae nang biglang barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang gunman habang nakasakay sa Toyota Hilux.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa ulo na naging dahilan ng agarang pagkasawi nito.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng motibo sa likod ng pananambang.

Read more...