Bilang ng mga adik sa gobyerno dumami ayon sa PDEA

By Jong Manlapaz February 02, 2016 - 05:29 PM

cacdac
Inquirer file photo

Sa nakalipas na limang taon ay lalo pang tumaas ang bilang ng mga tauhan ng gobyerno ang nasasangkot sa pag-gamit at pagtutulak ng bawal na gamot.

Base sa record ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na inilabas nila sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe, mula sa taong 2011 hanggang 2015 umabot sa 548 na mga government officials at personnel ang naaresto dahil sa pagtutulak ng illegal drugs.

Ayon kay PDEA Director General Usec. Arturo G. Cacdac Jr., kada taon ay tumataas ang bilang ng mga government officials na itinuring silang high value targets ang naaresto ng PDEA dahil sa illegal drug trade.

Noong taong 2011 naka-aresto ang PDEA ng 29 na tauhan ng gobyerno na nagtutulak ng bawal na gamot, tumaas ito ng sumunod na taong 2012 sa bilang na 65, lalo pang lumobo noong taong 2013 sa 138.

Hindi pa diyan tumigil ang pagtaas ng bilang ng mga nasasangkot sa bawal na gamot dahil pagdating ng 2014 ay lalo pa itong tumaas sa 190 at pagdating ng 2015 ay muling umakyat ang bilang sa 199.

Sa nasabing bilang na 199, tatlumpu’t dalawa sa mga ito ay pawang mga law enforfcers, 64 ang elected officials tulad ng ilang mga Barangay officials at 103 naman ang mga ordinaryong kawani ng pamahalaan.

TAGS: Cacdac, Drug trade, PDEA, Cacdac, Drug trade, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.