350,000 na international at local passengers, natapyas sa bansa dahil sa COVID-19

Kuha ni Chona Yu

Pumalo na sa 350,000 ang bilang ng mga pasahero sa international at domestic ang nabawas dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na sa naturang bilang, 16 porsyento o 300,000 ang mga international passanger habang tatlong porsyento o 50,000 naman ang local passengers.

Naitala aniya ang bilang ng pagbaba ng pasahero mula January 25 hanggang February 17.

Pero ayon kay Monreal, ngayong natanggal na ang travel ban sa Taiwan at partially lifted na rin ang travel ban sa Hong Kong at Macau, unti-unti nang makababangon ang mga airline company at inaasahang lalakas muli ang bilang ng pagdating o pag-alis ng mga pasahero.

Samantala, sinabi ni Monreal na pinag-aaralan pa ng MIAA at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang hirit ng mga airlines company na alisin na ang runway fee para maitaguyod ang local tourism.

February 2 nang magpatupoad ang Pilipinas ng travel ban sa Hong Kong, Macau at China at February 14 naman pinairal ang travel ban sa Taiwan.

Read more...