Pagmaniobra ng P80B ng ilang kongresista pinuna ni Sen. Lacson

By Jan Escosio February 19, 2020 - 01:08 PM

Lantarang kawalanghiyaan.

Ito ang pagsasalarawan ni Senator Panfilo Lacson sa tangkang pagmaniobra ng ilang miyembro ng Kamara sa P80 bilyon pondo ng ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Lacson tinangka ng ilang kongresista na mapunta sa kanilang mga proyekto sa kanilang mga distrito ang pondo na bahagi ng 2020 national budget.

Kaya’t suportado ng senador ang pagpigili ni Pangulong Duterte at ng Budget Department (DBM) sa pagpapalabas ng nabuking na ‘congressional realignments.’

Ayon kay Lacson ito ang isang dahilan kaya patuloy niyang sinusuportahan ang pamumuno ni Pangulong Duterte sa kabila ng paminsan-minsan na pagkakaiba nila ng posisyon sa ilang isyu.

Dagdag ng senador muling pinakita ng Punong Ehekutibo ang kanyang political will maging sa kanyang mga kaalyado sa Kamara na ang katapatan ay hindi nasa pamunuan kundi sa pondo.

Aniya dapat mag ingat ang pangulo sa mga nagpapakilala na kanyang kaalyado na ang tanging motibo ay kasakiman sa pera at kapangyarihan.

TAGS: House of Representatives, Inquirer News, national budget, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Senator Panfilo Lacson, Tagalog breaking news, tagalog news website, House of Representatives, Inquirer News, national budget, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Senator Panfilo Lacson, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.