Suot na puting wrist band ni Pangulong Duterte, hindi medical plaster kundi ‘symbol of peace’ lang

By Chona Yu February 19, 2020 - 01:01 PM

Nilinaw ng Malakanyang na hindi medical plaster ang nakalagay sa kaniyang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi simpleng kulay puting wrist band lamang.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, isinuot ng pangulo ang wrist band bilang simbolo sa pagnanais na magkaroon ng kapayapaan sa Pilipinas.

Inihalintulad pa ni Panelo ang wrist band ni Pangulong Duterte sa wrist band na palaging suot ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Wala aniyang dapat na ipag-alala ang publiko dahil maayos naman ang lagay ng kalusugan ng pangulo.

Noon pa man aniya, hindi na itinatago ni Pangulong Duterte sa publiko ang lagay ng kaniyang kalusugan.

Agad din aniyang sinasabi ng pangulo sa taong bayan ang kaniyang mga nararanasang sakit.

Matatandaan na nakasuot ng puting wrist band si Pangulong Duterte na mistulang medical plaster nang dumalo sa pagbubukas ng Sangley Airport sa Cavite.

Simula linggo hanggang ngayon, wala pang public engagement si Pangulong Duterte at nanatili sa Davao City.

TAGS: Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, Radyo Inquirer, symbol of peace, Tagalog breaking news, tagalog news website, wrist band, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, Radyo Inquirer, symbol of peace, Tagalog breaking news, tagalog news website, wrist band

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.