Sinabi ni Hontiveros na ang naturang kapangyarihan ng pangulo ng bansa ay hindi nagamit may isang dekada na ang nakakalipas sa ilang gamot.
Aniya base sa Cheaper Medicines Law may kapangyarihan ang Punong Ehekutibo na gumamit ng regulatory powers sa presyo ng mga gamot base sa rekomendasyon ng Department of Health.
Ayon pa kay Hontiveros magandang hakbang ang ginawa ni Pangulong Duterte para sa universal health care program.
Ipinunto ni Hontiveros na dito sa Pilipinas, 41 porsiyento ng ginagasta para sa kalusugan ay sa mga gamot.