Executive Order sa maximum retail price ng ilang gamot pinuri ni Sen. Hontiveros

By Jan Escosio February 19, 2020 - 12:43 PM

Natuwa si Senator Risa Hontiveros na dininig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang panawagan na gamitin nito ang kanyang regulatory powers para magpatupad ng maximum retail price para sa mga gamot sa hypertension, diabetes at caridiovascular diseases.

Sinabi ni Hontiveros na ang naturang kapangyarihan ng pangulo ng bansa ay hindi nagamit may isang dekada na ang nakakalipas sa ilang gamot.

Aniya base sa Cheaper Medicines Law may kapangyarihan ang Punong Ehekutibo na gumamit ng regulatory powers sa presyo ng mga gamot base sa rekomendasyon ng Department of Health.

Ayon pa kay Hontiveros magandang hakbang ang ginawa ni Pangulong Duterte para sa universal health care program.

Ipinunto ni Hontiveros na dito sa Pilipinas, 41 porsiyento ng ginagasta para sa kalusugan ay sa mga gamot.

TAGS: Cheaper Medicines Law, doh, Inquirer News, maximum retail price, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cheaper Medicines Law, doh, Inquirer News, maximum retail price, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.