Chinese General Hospital namahagi ng libreng medical supplies

Bilang tulong sa pamahalaang lungsod ng Maynila, namahagi ang Chinese General Hospital ng libu-libong hygiene at medical kit sa Manila Police District (MPD) at Manila City Hall partikular sa mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Pinangunahan ni Chinese General Hospital and Medical Center President/CEO James Dy, ang pamamahagi ng libu-libong mask alcohol, sanitizer at infrared thermometer.

Ito ay isang joint project ng nasabing ospital, Philippine Chinese Charitable Association, Inc., at Filipino-Chinese General Chamber Commerce Inc.

Ayon kay Dy, umikot na rin sila sa iba’t ibang lugar upang mamahagi ng mask at alcohol bilang bahagi ng preventive measures at tulong na rin sa mga kababayan na mahirap makabili dahil wala nang stock at nagkakaubusan pa sa mga pamilihan laban sa 2019 Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon pa kay Dy, kaya naman o puwede naman silang tumanggap o mag-accomodate ng pasyente sakaling may ma-admit na may sintomas ng virus dahil may segregation naman aniya sila ng ward.

Sapat din aniya ang kanilang suplay dahil mayroon silang sariling source of procurement

Kaugnay nito, sinabi naman ni Dy na handa ang Chinese General Hospital laban sa COVID-19.

Naniniwala naman si Dy na malaki ang naging epekto ng naturang virus sa ekonomiya kaya pag-asa na lamang aniya ng mga negosyante na makadiskubre ng gamot upang matigil ang naturang virus.

Read more...