Tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte sa anibersaryo ng EDSA People Power, “wishful thinking” lang – Malakanyang

By China Yu February 19, 2020 - 12:15 PM

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Minaliiit lamang ng Malakanyang ang tangkang pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa February 25.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, “wishful thinking” lamang ang mga ikinakasang kilos protesta.

May mga nanawagan kasi sa Social
Media na sama-samang magsagawa ng kilos protesta sa February 25 para ipakita ang pagtutol sa pagbasura ni Pangulong Duterte sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Paliwanag ni Panelo, hindi magbubunga ang naturang plano dahil mayorya sa mga Filipino ang sumusuporta kay Pangulong Duterte.

100 percent din aniya na naka-suporta ang militar kay Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni Panelo na walang nakikitang pangangailangan ang palasyo na pulungin ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

TAGS: EDSA People Power, Edsa People Power Anniversary, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, wishful thinking, EDSA People Power, Edsa People Power Anniversary, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, wishful thinking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.