Pitong driver ng jeep nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2020 - 11:28 AM

Pitong driver ng pampasaherong jeep ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa isinagawang random drug testing sa Makati City.

Ginawa ang operasyon matapos ang insidente na nangyari kamakailan kung saan isang pampasaherong jeep ang umararo sa mga estudyante na tumatawid sa pedestrian lane sa JP Rizal.

Ginawa ang drug testing sa mga driver ng pampasaherong jeep na bumibiyahe sa kahabaan ng JP Rizal at pito sa kanila ang nagpositibo.

Dinala sa Makati City police station ang mga driver na nagpositibo.

Maliban sa drug testing, nagsagawa din ng operasyon ang LTO sa mga pampasaherong jeep na makikitaan ng paglabag.

Umabot sa 150 ang naisyuhan ng traffic violation tickets.

TAGS: drug testing, Illegal Drugs, Inquirer News, makati city, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, random drug testing, Tagalog breaking news, tagalog news website, drug testing, Illegal Drugs, Inquirer News, makati city, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, random drug testing, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.