Mga OFW na aalis patungong Macau at Hong Kong kailangang mag-execute ng deklarasyon ayon sa DFA
Kailangang lumagda sa deklarasyon ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na aalis sa Pilipinas papunta ng Hong Kong at Macau sa gitna ng COVID-19 scare.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ngayong exempted na sa umiiral na travel ban ang mga OFW sa Hong Kong at Macau kailangan nilang mag-execute ng deklarasyon.
Sa nasabing deklarasyon nakasaad na batid nila ang banta sa pagbalik nila sa Hong Kong at Macau.
Exempted na din sa ban ang mga newly-hired na OFWs basta’t lalagdaan nila ang form na ibibigay ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Maliban sa mga OFW, sinabi ng DFA na pinapayagan na ding makaalis ang mga permanent residents ng Hong Kong at Macau at mga Pinoy na nag-aaral doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.