TWG on Motorcycle Taxi inilabas na ang final tally ng riders na papayagang mag-operate sa Metro Manila

Inilabas ng Inter-Agency Technical Working Group on motorcycle taxis ang final tally para sa bilang ng riders na papayagang bumiyahe sa Metro Manila sa ilalim ng extended pilot implementation.

Ayon sa TWG, ito ay matapos ang ibinigay na deadline sa tatlong Transport Network Companies (TNCs) para sa pagsusumite ng registration.

Base sa final tally ng riders narito ang bilang ng mga rider na papayagang mag-operate sa Metro Manila:

Angkas: 23,164
Joyride: 15,000
Move It: 6,836

Ang nasabing bilang ang papayagang bumiyahe sa ilalim ng extended pilot implementation ng motorcycle taxis.

Maliban sa Metro Manila, ang Angkjas ay mayroon ding operasyon sa Metro Cebu at Cagayan de Oro.

Read more...