Daan-daang pasahero ng MV Diamond Princess sa Japan nakababa na ng barko

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2020 - 10:31 AM

Nakababa na ng MV Diamond Princess ang daan-daan nitong pasahero matapos ang 14 na araw na quarantine sa Yokohama, Japan.

Ang mga pasaherong nag-negatibo sa COVID-19 ay pinababa na sa barko.

Ngayong araw ang pagtatapos ng 14-day quarantine sa MV Diamond Princess.

Hindi pa naman malinaw kung saan ididiretso ang mga pasahero, pero tiniyak ng Diamond Princess na sila ay aasistihan.

Ang mga nagpositibo sa COVID-19 kabilang ang 35 mga Pinoy ay pawang nailipat na sa ospital at nagpapagaling.

Kasama sa mga nakababa na ng barko ang nasa 200 mamamayan ng Australia na isasakay sa chartered flight.

Pagdating nila sa Australia ay muli silang sasaialim sa 14-day quarantine.

 

TAGS: China, COVID-19, disease, Health, Hubei Province PH News, Inquirer News, Japan, mv diamond princess, ncov, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, Yokohama, China, COVID-19, disease, Health, Hubei Province PH News, Inquirer News, Japan, mv diamond princess, ncov, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, Yokohama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.