Chinese na nandura ng pulis sa Maynila, nakakulong na sa BI

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2020 - 09:56 AM

Hawak na ng Bureau of Immigration (BI) ang Chinese national na nandura sa isang pulis-Maynila.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, nakakulong na ngayon ang 50 anyos na si Zhou Zhiyi sa detention facility ng BI sa Bicutan, Taguig City.

Ang dayuhan ay unang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos lumabag sa batas trapiko atat duraan pa ang pulis na sumita sa kaniya.

Nakatakda ding kasuhan ang dayuhan ng paglabag sa immigration laws dahil sa pagiging overstaying at pagiging undesirable alien.

Dumating ang dayuhan sa bansa bilang turista noong Nov. 11, 2019 kaya matagal nang paso ang 30-araw na pananatili nito sa bansa.

TAGS: BI, chinese national, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BI, chinese national, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.