DepEd ipinanukala ang paggamit ng Sablay sa halip na toga sa end-of-school-year rites sa elementarya at HS

By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2020 - 08:48 AM

Sa halip na gumamit ng toga sa graduation rites ng mga estudyante sa elementarya at High School, ipinanukala ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan na gumamit na lamang ng Sablay.

Sa inilabas na impormasyon ng DepEd na nilagdaan ni Undersecretary Alain Del B. Pascua, walang Filipino roots ang “toga” dahil galing ito sa “Western countries”.

Hindi rin ito sumasalamin sa loyalty sa isang bansa, at sa halip ay nagpapaalala ito ng colonial history.

Hindi rin praktikal ang gumamit ng toga sa isang tropical country gaya ng Pilipinas.

Maliban pa sa dagdag gastos pa ang pagbili o pagrenta ng toga.

Ayon sa DepEd kung gagamit na lamang ng “Sablay” mas naipapaalala sa mga mag-aaral ang patriotism at nationalism.

Naipo-promote din nito ang pagiging Makabansa at Makakalikasan, local culture at national diversity.

Pwede ring mai-promote ang ethnic roots sa pamamagitan ng paggamit ng local textiles.

At matutulungan din ang mga weavers sa bansa at mga nagnenegosyo ng tela.

Malinaw sa impormasyon na panukala lamang ito ng DepEd at hindi naman nakasaad na inoobliga ang mga paaralan na ito ay sundin.

Ang University of the Philippines (UP) ay gumagamit na ng Sablay noon pa sa tuwing sila ay magdaraos ng graduation rites.

TAGS: deped, elementary, graduation rites, high school, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, sablay, schools, Tagalog breaking news, tagalog news website, toga, deped, elementary, graduation rites, high school, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, sablay, schools, Tagalog breaking news, tagalog news website, toga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.