Month-long nationwide sale sa mga mall, sagot sa COVID-19 scare ayon sa DOT
Maglulunsad ng sale ang mga mall sa buong bansa para sa buong buwan ng Marso.
Ang nationwide month-long sale ayon sa Department of Tourism (DOT) ay layong maibsan ang epekto ng COVID-19 scare.
Kapansin-pansin kasi ang pagbaba ng bilang ng mga taong nagtutungo sa mga mall dahil sa pangamba sa sakit.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, lalahok sa nationwide month-long sale ang lahat ng malls sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ito aniya ang unang pagkakataon na may magaganap na nationwide sales sa bansa na tatagal ng isang buwan.
Tiniyak naman ng DOT na mahigpit ang bilin ng Department of Health sa pamunuan ng mga mall na tiyaking magpapatupad ng precautionary measures.
Patuloy din naman aniya ang paalala ng DOH sa publiko na kung hindi maganda ang pakiramdam ay huwag na lamang munang lumabas o magtungo sa matataong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.