Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na gagamit ng tatlong antas ng alert system ang pamahalaan na maglalatag ng mga hakbang na dapat gawin bilang pagtugon sa naturang sakit.
Ito ay ang Code White (level 1), Code Blue (level 2) at Code Red (level 3).
Sa ilalim ng Code White mangangahulugan na mayroong hihihinalang mga kaso sa bansa, gaya na lamang ng umiiral sa ngayon na mayroon mga itinuturing na persons under investigation (PUIs).
Kapag naman sumampa na sa Code Red ang alerto, ang ibig sabihin ayon kay Duque ay mayroon nang community epidemic ng sakit.
May inilatag na four-door response framework para sa Code Alert system na ipinaalam na sa mga lokal na pamahalaan dahil sila ang magsisilbing first responders sa sandaling magkaroon ng kaso sa kanilang nasasakupan.
Nakatakdang ianunsyo ngayong araw ng DOH ang kabuuan ng lalamanin ng naturang sistema.