Lalaki arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa Quezon City

By Mary Rose Cabrales February 19, 2020 - 07:32 AM

Timbog ang isang lalaki matapos umanong magnakaw ng cellphone sa Muñoz, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Jetro Mendoza Eluna, isang construction worker.

Ayon sa babaeng biktima na si alyas Jane, patungo siya ng Cubao mula Balintawak at nakasakay sa bus nang malaman
niyang nawawala na ang kanyang cellphone.

Isang pasahero naman ang nagsabi sa biktima na isang lalaki umano ang nagnakaw at bumaba na sa Muñoz.

Sa tulong naman ng mga security ng isang mall sa bahagi ng Muñoz, nahuli ang lalaki na sa una ay itinanggi pa ang
pagnanakaw pero natagpuan ng security guard ang isang cellphone na itinapon sa gilid ng kalsada.

Kalaunan ay umamin din ang suspek at sinabi na modus nila ang magpanggap na pasahero para makapagnakaw dahil sa kakapusan ng pera.

Dinala sa barangay ang suspek.

Kakasuhan naman ng biktima ng kasong theft ang naarestong suspek.

TAGS: cellphone, Cubao, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quezon city, Radyo Inquirer, snatcher, Tagalog breaking news, tagalog news website, cellphone, Cubao, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quezon city, Radyo Inquirer, snatcher, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.