Bahagya pang lumamig ang temperatura ngayong umaga sa ilang bahagi ng Luzon.
Ito ay dahil sa paglakas ng Amihan na nakakaapekto na muli sa buong Luzon at Visayas.
Pero sa Metro Manila, hindi na kalamigan ang naitalang temperatura alas 5:00 ng umaga ng Miyerkules, February 19 na 22.6 degrees Celsius.
Narito naman ang naitalang temperatura sa iba pang lugar sa Luzon:
Baguio City – 11.4 degrees Celsius
Tanay, Rizal – 19 degrees Celsius
Laoag City – 19.6 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 21.3 degrees Celsius
Mananatili ang pag-iral ng Amihan sa Luzon at Visayas hanggang sa araw ng Biyernes ayon sa PAGASA.
MOST READ
LATEST STORIES