Quarantine period ng 4 na PUIs sa Negros Oriental natapos na; 2 iba pa, negatibo sa COVID-19
Natapos na ang quarantine period ng apat na patient under investigation (PUI) sa Negros Oriental.
Ayon sa tagapagsalita ng probinsya, sa kasalukuyan ay wala nang natitirang persons under monitoring (PUM) sa lalawigan.
Samantala, negatibo naman sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawa pang natitirang PUI.
Ang dalawang PUIs ay isang Belgian at Filipina na mula sa Wuhan, China at bumisita sa Bohol at Siquijor bago magtungo sa Dumaguete City.
Mananatili pa sa ospital ang dalawa dahil inoobserbahan pa ang kanilang blood pressure.
Sa ngayon ay wala na ring PUI sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.