Pagtatalo ng isang negosyante at konsehal sa Batangas nauwi sa barilan, isa ang patay

By Mary Rose Cabrales February 19, 2020 - 06:06 AM

Nasawi ang isang negosyante matapos tamaan ng bala ng nakaaway nitong isang konsehal sa Calaca, Batangas.

Nakilala ang biktima na si Manuel del Rosario, 46 taong gulang habang ang suspek naman ay kinilala sa alyas na Manny.

Ayon sa Calaca Police, nasa isang gasolinahan lamang sa Barangay Sinisian ang suspek nang biglang dumating ang biktima at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang sinapak ng biktima ang suspek sa likurang bahagi ng ulo at ito na ang pinagsimulan ng gulo.

Umalis naman papalayo ang ang suspek ngunit hinabol pa ito ng biktima at nauwi na sa palitan ng putok ng baril ang away ng dalawa.

Sa palitan ng putok ng dalawa ay tinamaan ng bala ang biktima.

Agad namang dinala sa Ospital ng Calaca pero idineklara itong dead on arrival (DOA).

Sa kasalukuyan ay nasa istasyon na ng pulis ang sumukong suspek na nahaharap sa kasong murder.

TAGS: Batangas, calaca, crime, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Batangas, calaca, crime, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.