Chinese citizens bawal na munang pumasok sa Russia dahil sa COVID-19 scare

Magpapatupad na ng ban ang Russia sa lahat ng Chinese citizen.

Ayon kay deputy Prime Minister Tatiana Golikova, lahat ng Chinese citizen ay bawal na munang pumasok sa Russia simula sa February 20.

Sakop ng ban ang mga Chinese na turista, may work travel, private travel, at maging mga estudyante.

Ginawa ang desisyon dahil sa patuloy pa ring pagdami ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19 sa China, lalo na sa Hubei Province.

May mga Chinese nationals na regular na bumisita sa Russia bilang turista.

Ang iba naman ay naninirahan sa Russia dahil doon nagtatrabaho o nag-aaral.

Read more...