Pinoy domestic worker sa Hong Kong, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang isang Filipino domestic worker sa Hong Kong.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, kinumpirma ng Hong Kong Health Department na nagpositibo sa sakit ang Filipino domestic worker matapos ang mga isinagawang pagsusuri.

Kasunod nito, muling pinaalalahanan ng konsulado ang lahat ng Filipino sa Hong Kong na huwag pabayaan ang kalusugan.

Dapat anilang mag-ingat upang makaiwas sa virus.

Pinayuhan din ang mga Filipino sa Hong Kong na umiwas muna sa mga matataong lugar at maging sa mga taong mayroong sintomas ng sakit tulad ng ubo, sipon at lagnat.

Hinikayat din nito ang lahat ng organisasyon at event organizer na pansamantalang ipagpaliban ang pagdaraos ng mga pagtitipon.

Tiniyak naman ng konsulado na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan ukol sa sitwasyon sa bansa at pagbibigay ng abiso kung kinakailangan.

Read more...