Ban sa single use plastic, malabo pa – Sen. Villar
Aminado si Senator Cynthia Villar na maaring imposible na magpatupad ng ‘single use plastic ban.’
Aniya, ang plastic ang pinakamura at aniya, maaring payagan na ang paggamit nito kung ito ay maari naman i-recycle o magamit muli tulad ng ginagawa sa ibang bansa.
Ngunit, ayon sa namumuno sa Senate Committee on Environment, kung hindi talaga mare-recycle ang plastic, makakabuti na gamitin ang teknolohiya para makagawa ng alternatibo.
Sinabi pa ng senadora na dalawang dekada nang ipinatutupad ang Solid Waste Management Act kayat maaring may teknolohiya na para mabawasan ang mga basurang plastic.
Una nang pinansin ni Villar na ang plastic ang nagungunang sanhi ng polusyon sa karagatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.