Sen. Drilon: SC, hindi mapipigil ang Senate hearing
Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi mapipigilan ng Korte Suprema ang Senado na magsagawa ng ‘public hearing in aid of legislation.’
Ayon pa kay Drilon, hindi rin mapipigilan ng ‘gag order petition’ ni Solicitor General Jose Calida ang mga inimbitahang resource person ng Committee on Public Services ni Sen. Grace Poe na magsalita hinggil sa isyu.
Paliwanag nito, responsibilidad ng mga resource person o testigo na makipagtulungan para magkaroon ng tamang aksyon ang komite.
Ibinahagi din nito na may pagkakaiba ang pag-iimbestiga ng Kongreso ‘in aid of legislation’ at pagdinig sa korte.
Pagdidiin pa ng beteranong senador, walang epekto sa Senado ang ‘quo warranto petition’ at ang ‘urgent motion’ ni Calida patungkol sa isyu ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.