Ilang biyahe ng Air Asia sa Taiwan, ibabalik na sa Feb. 20

By Angellic Jordan February 18, 2020 - 10:00 PM

AP File

Nakatakda nang ibalik ng Air Asia ang ilang biyahe patungong Taiwan at pabalik ng Pilipinas.

Ito ay matapos alisin ang ipinatupad na travel ban ng Pilipinas sa Taiwan para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus
Disease (COVID-19).

Sa abiso ng airline company, magbabalik na ang ilang biyahe mula Maynila patungong Taipei at Kaohsiung sa Huwebes,
February 20.

Unti-unti rin anilang ibabalik ang ilang biyahe sa Manila, Clark, Cebu, at Kalibo sa February 24 at 25, at maging sa March
1 at 30.
Ayon pa Air Asia, ang mga pasahero na hindi nagbago ng kanilang booking sa mga sumusunod na flight ay
makakabiyahe sa itinakdang schedule:

February 20:
– Z2 124 Manila-Taipei
– Z2 125 Taipei-Manila
– Z2 132 Manila-Kaohsiung
– Z2 133 Kaohsiung-Manila

February 24:
– Z2 128 Manila-Taipei

February 25:
– Z2 129 Taipei-Manila

March 1:
– Z2 7140 Cebu-Taipei
– Z2 7141 Taipei-Cebu
– Z2 7134 Cebu-Kaohsiung
– Z2 7135 Kaohsiung-Cebu
– Z2 5134 Clark-Kaohsiung
– Z2 5135 Kaohsiung-Clark
– Z2 5126 Clark-Taipei
– Z2 5127 Taipei-Clark
– Z2 024 Kalibo-Taipei
– Z2 025 Taipei-Kalibo

Tiniyak naman ng airline company na tututukan nila ang sitwasyon.

TAGS: air asia, BUsiness, COVID-19, Taiwan, air asia, BUsiness, COVID-19, Taiwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.