Patuloy na nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng Luzon.
Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na umiiral ang makakapal na ulan sa Silangang bahagi ng Luzon.
Dahil dito, makararanas pa rin ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Northern Luzon kabilang ang Cagayan Valley, Cordillera, Aurora at Quezon.
Martes ng hapon, February 18, bumaba na rin aniya ang epekto ng Amihan sa bahagi ng Bicol region.
Asahan pa rin aniya ang malamig na temperatura lalo na sa madaling-araw.
Dagdag pa ni Ordinario, wala pa ring inaasahang papasok o mabubuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.