Mga dating kandidato sa Taguig City, kinasuhan

By Ricky Brozas February 18, 2020 - 05:26 PM

Sinampahan ng patong-patong na kasong kriminal ng ilang miyembro ng transport group sina Arnel Cerafica at kapatid na si Allan, mga dating kumandidato sa pagka-alkalde at kongresista nitong 2019 midterm elections sa Taguig pero natalo.

Mga kasong sedition, inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act ang isinampa ng ilang miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Associations (JODA) ng Taguig sa Prosecutor’s Office laban sa magkapatid na Cerafica at ilan pang indibidwal.

Batay sa reklamo, matapos umanong manguna sa resulta ng botohan sa pagka-alkalde at kongresista sina dating Senador Alan Peter Cayetano at direktor na si Lino Cayetano ay nagsagawa ng serye ng mga illegal assembly ang magkapatid na Cerafica.

Nakasaad pa sa reklamo na dahil sa mga illegal assembly na ginawa ng magkapatid na Cerafica at mga kasama ay maraming empleyado ng Taguig City local government unit ang nabalam ang trabaho pagkat ginawa ng pagtitipon sa mismong kahabaan ng Pedro Cayetano Boulevard, na isang public road.

Habang ang ilang pagkilos na ginawa ng grupo sa may kahabaan naman ng C5 ay nagdulot umano ng pagsikip sa trapiko at pagparalisa sa daloy ng komersyo.

Dagdag pa sa reklamo na ang ginawa ng Cerafica brothers ay mistulang panghihikayat sa publiko na magalit matapos mag-akusa ang mga ito ng dayaan umano sa ginanap na 2019 elections.

TAGS: JODA, Taguig City, Taguig LGU, JODA, Taguig City, Taguig LGU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.