Matutuluyang bahay ng mga cancer patient, planong itayo sa Maynila

By Ricky Brozas February 18, 2020 - 03:28 PM

Inquirer photo

Balak ng pamahalaang lungsod ng Maynila na magpatayo ng pansamantalang matutuluyan ang mga pasyente mula pa sa iba’t ibang probinsya na nagpapagamot sa mga ospital sa Maynila.

Layon nito na hindi na mahirapan pa ang mga pasyente at makatipid sa kanilang transportasyon lalo na ‘yung mga cancer patient.

Inihayag ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagdalo sa consultation meeting ng Manila Health Officials.

Ang nasabing plano ay una na ring sinabi ni Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan, araw ng Lunes, kung saan bahagi aniya ito ng pagpapalakas sa health facilities ng siyudad.

Bukod dito, plano ring bumuo ng Super Health Centers with Vertical Housing sa mga empleyado.

Gayunman, sinabi ng alkalde na ang plano ng pamahalang lungsod ay kakailanganing tulong ng lahat ng sektor sa siyudad, publiko o pribadong sektor upang maisakatuparan ang nasabing proyekto.

Hinikayat naman ni Moreno ang lahat na makipagtulungan at magtiwala sa health centers dahil pangarap aniya ng maibalik ang dignidad.

Pinag-aaralan na rin ng Manila LGU na magtayo ng bagong pasilidad para sa diabetic patient at wellness centers, gayundin ang public health care sa mga educational institution sa lungsod tulad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

TAGS: cancer patient, matutuluyang bahay ng mga cancer patient, Mayor Isko Moreno, cancer patient, matutuluyang bahay ng mga cancer patient, Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.