Travel ban sa Hong Kong at Macau, partially lifted na ng Pilipinas

Maari nang bumiyahe papunta at pabalik ng Hong Kong at Macau ang mga overseas Filipino worker (OFW).

Ito ay dahil sa partially lifted na ang travel ban na ipinatupad noon ng Pilipinas sa Hong Kong at Macau dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kinakailangan lamang na lumagda ng deklarasyon ang mga OFW na nagsasaad na batid nila ang panganib sa pagbalik sa kanilang trabaho sa Hong Kong at Macau.

Maari na rin aniyang pumunta sa Macau at Hong Kong o umuwi sa bansa ang pamilya ng mga Filipino pati na ang mga holder ng permanent visa.

Sakop na rin ng partial lifting ng travel ban ang mga miyembro ng diplomatic corps.

Sinabi pa ni Panelo na ang paulit-ulit na hiling ng mga OFW na alisin na ang travel ban ang maaring naging basehan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases para bahagyang alisin ang travel ban.

Wala naman aniyang dapat na ipag-alala ang mga OFW sa pipirmahang deklarasyon dahil tutulungan pa rin sila ng gobyerno kung saka sakaling maapektuhan ng COVID-2019.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Panelo:

Read more...