Bilang ng nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa nakadaong na cruise ship sa Japan, nasa 35 – DFA

By Angellic Jordan February 18, 2020 - 02:58 PM

Nasa 35 na ang bilang ng mga Filipinong sakay ng nakadaong na Diamond Princess cruise ship sa Japan na nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang dito ang walong bagong kaso ng nasabing sakit.

Ang walo ay mga crew members ng cruise ship.

Sinabi ng DFA na agad dinala ang mga nagpositibong Filipino sa iba’t ibang ospital sa Japan.

Patuloy na binibigyan ng treatment ng mga Filipino.

Ayon pa sa kagawaran, patuloy na nakikipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa para matiyak na nabibigyan ng tulong ang mga apektadong Filipino.

“The Embassy constantly communicates with all patients currently confined in Japanese hospitals to ensure their well- being and to provide assistance,” ayon sa DFA.

Nakatakda namang ianunsiyo ng gobyerno ng Japan ang gagawing disembarkation procedures sa pagtatapos ng quarantine period sa cruise ship.

“The Embassy is coordinating with all relevant Philippine and Japanese government agencies and is meeting with senior management representatives of Princess Cruises to ensure an orderly and safe repatriation of Filipinos once they clear the Japanese quarantine requirements,” dagdag pa ng kagawaran.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, DFA, Diamond Princess cruise ship, coronavirus disease, COVID-19, DFA, Diamond Princess cruise ship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.